USAPA NA! :: ...mga kaisipang ewan

USAPA NA!

SA MATA NG DALUYONG

Saturday, September 23, 2006

Ilang minuto na lang at mag aalas dose na ng gabi, tanging tika-tik na lang ng kamay ng aking relos at mga pindot ng aking mga daliri sa key board ng aking lumang computer ang aking naririnig, napaka alinsangan ng panahon, at tila mukhang uulan pa ata,ng dumungaw ako sa bintana. mukhang may nag babadyang unos? teka lang, mukhang kanina ko pa napansin na walang signal ang aking cel fon.? Lintik, bakit kaya?? at biglang naalala ko ang napanood ko kanina sa t.v.Nagkakagulo na daw sa Malakanyang at nag deklara ang pangulo ng isang state of emergency, red alert na rin ang mga kampo ng mga militar.At ipinataw na ang curfew sa mga lansangan...nag deklara ang pangulo ng giyera laban sa lahat ng makakaliwang grupo.. at sumagot naman ang mga lider ng mga makakaliwa na handa sila sa ano mang sitwasyon at lalabanan daw nila ito sa anumang paraan.

Biglang kinabahan ako, oo nga pala, may pumunta ditong kasama kanina sa amin, at di niya ako naabutan, kaya nag iwan na lang ng isang mensahe at isinulat ito sa isang palara ng sigarilyo..kaso binalewala ko ito, ang nakasulat sa mensahe ay may emergency meeting daw kami ng aming koliktib, magkikitakita daw kami sa dati naming tambayan sa may krus na ligas sa may Diliman, isinulat din ang adyenda kung ano ang aming pagpupulongan, hinggil daw ito sa usapin ng panlipunang sitwasyon at kalagayan sa mga nangyayari ngayon. At denitalye rin kung anong oras kami mag kikita-kita, nakasaad rin sa mensahe na dapat insakto ang dating dahil kung di makaabot sa takdang oras ay iiwanan na, Lintik, anong ibig sabihin nito?? kasi naman, dumaan pa kasi ako ng esem, umandar na naman kasi ang aking pagka peti-burgis, yan tuloy anong napala ko... kasi kadalasan tuwing may ganitong pagpupulong ay dis-oras na kung dumating ang mga kasama, at wala nang mapag-usapan kundi punahan na lang ng punahan at negatibo pa ang kadalasang nagiging resulta. Tinignan ko pa uli ang nakasulat sa palara, bukod sa nakasulat sa pinkakababa na wari ko'y islogan ay wala ng detalye, siguro baka mapuno ang palara kung i detalye pa ang kabuuan ng adyenda ng pulong, bukod sa islogan ay napansin kong may maliit na nakasulat rin, "mangyaring sunugin ang mensahe pagkatapos basahin" ah.. bakit kaya?? noon oo, noong di pa gaano uso ang text?? pero bakit? sabagay ka dedeklara lang ng state of emergency, pero teka muna, di pa naman martial law a?? putragis talaga!! ano nang nangyayari? napansin ko kanina nang pauwi na ako dito sa amin ay may nadaanan kaming nag mamartsa ng mga maralitang lungsod at mga kabataang aktibista kasama ang iilang mangagawa kaya siguro trapik din kanina?? sinisgaw nila ang Lunasan ang kahirapan! insureksyon ang kailangan! itayo ang gobyernong bayan!

BROWNOUT !!! tang ina! dali-dali akong dumungaw sa bintana, mukhang buong lungsod ng Maynila a? at bigla kung naisip na makinig ng balita, putsa! oo nga pala brown out, paano na to? biglang sumanguni sa aking isip na may maliit pala akong transistor na radyo, at dali-dali kung kinuha sa drawer ng aking cabinet .. sana ay may battery, bulong ko sa aking sarili..pag pihit ko ay tumunog, haay salamat sa diyos at may battery pa. naghanap ako ng magandang istasyon at bingo! may narinig akong nagbabalita. nagkakaputokan na daw sa bandang may Legarda, sa paligid ng Malakanyang, at di daw sundalo ang mga lumulusob kundi mga karaniwang maralita at ang nakakagulat ay may mga dala rin silang baril! Tang ina! insureksyon na nga! ang hirap talaga pag wala kang komunikasyon sa mga kasama at ang lalong masaklap ay lost command ka pa! tang inang buhay talaga! kaya napag tanto ko na kailangang umalis ako dito sa lunga ko, anong gagawin ko dito? magmasid na lang sa mga nangyayari? kailangan kong mag disisyon, kailangan kong hanapin ang mga kasama, pero saan? bahala na? dali-dali kong kinuha ang aking back pack at ipinasok ang limang t-shirt na puro itim, naalala ko pa noon ang oryentasyon namin sa aming exposure sa kanayunan na kailangang walang dadalhing puting t-shirt dapat ay puro colored, isa sa kadahilanan nito ay para madaling malabhan, at para na rin daw sa proteksyon mo, sa madaling salita para di ka maaninag ng kaaway pag gabi, pero sinong kaaway?? unang tanong ko noon?? kala ko ba makisalamuha lang tayo sa mga magsasaka kung anong karanasan nila sa buhay....ipinasok ko rin ang dalawa kong pantalon, in-case kung matagalan akong maka uwi at least may baon pa akong pantalon at isinama ko na rin ang tatlo kong pinakamamahal na underwear...pero saan nga ba talaga ako pupunta?? kung pupuntahan ko naman ang dati naming tambayang bahay ng aming koliktib ay baka na reyd na ng mga militar... pero sige bahala na, baka may maka salubong ako na mga kasama sa daan. At isa pa ito ang pinaka asam-asam ko ng panahon, mula ng nagging aktibista ako, ang makapag silibi sa masang api at makipag rebolusyon..punyeta! bulong ko sa sarili ko, umandar na naman uli ang pag ka adbenturista ko, at pagka peti-bugoy, isipin ko muna kung saan ako dadaan..

Maya-maya pa'y nasa kahabaan na ako ng kalsada ng Forbes, patungong Espanya, Tang ina! la na atang pampasaherong jeep na dumadaan, wala na ring dumadaan na mga sasakyan, mukhang pati ata mga tsuper ay naki sama na rin sa insureksyon, tinignan ko ang aking relos, mag aalas dos na pala ng madaling araw...habang patuloy kong binabaybay ang kahabaan ng kalsada ay amoy na amoy ko ang malansang simoy ng natutuyong dugo at ang amoy ng usok ng pulbura.. sa di kalayoan ay tumambad sa akin ang mga nakahandusay ng patay na katawan ng mga tao.. halo-halo ang mga nakita ko, may mga unipormadong sundalo at mga sibilyang may hawak pang mga baril.. at biglang may narinig akong putokan.. rapapapak....paraaak..pak..pak, putsa! putok yun a? napa bulong ako, at di lang basta putok, ito'y putok ng baril..at malapit lang ito sa kinatatayoan ko...nakita kong may nagtatakbohang mga tao, na ang direksyon ay papunta sa akin, dali-dali akong kumubli sa isang drum ng basurahan na nasa gilid lang ng kalsada, "atras!" "atras!" wika noong isang ma'ma "atras mga kasama", noong sinilip ko akala ko mga sundalo, laking gulat ko ay mga sibilyan at may dalang mga baril mukhang ang mamang sumisigaw ay ang kanilang CO (commanding officer), mukhang isang karaniwang mangagawa, praaak..praak...pak..pak putukan uli, nang sumulyap uli ako nakita kong mga mahigit labing lima sila lahat, kasama na dito ang anim na babae...gumanti sila ng putok sa direksyon ng Espanya..maya-maya pa'y nag komand ang kanilang CO na atras uli, nakita kong tumakbo sila....rapapapak...pak..pak putokan uli, nakita kong tinamaan at nabuwal ang isa nilang kasamang babae, ngunit iniwanan na lamang nila ito, at tuloyan ng nawala sa mga madilim na eskinita, daglian kong sinulyapan ang tinamaan nilang kasama, na di kalayoan sa aking kinaroroonan, at dahan-dahan kong nilapitan ito ng tumahimik na ang paligid...laking gulat ko ng maaninag ko ang kanyang mukha, tang ina!! diyos ko!! kilala ko tong babaeng ito, si Kasamang Haydee ito, nagging kasama ko siya noon ng nagbigay kami ng pag-aaral sa mga kasamang mangagawa sa Valenzuela hingil sa kanilang mga karapatan, at LSK (Lunas sa Kahirapan).. dali-dali kong inakay ang dugoan niyang katawan, at napa-upo ako, ipinatong ko ang kanyang ulo sa aking mga hita, tinapik-tapik ko ang kanyang pisngi, laking gulat ko ng biglang gumalaw ang kanyang ulo at bumuka ang kanyang mga mata..napangiti siya sa akin at mahinang bumulong "hayaan muna ako kasama" sambit niya sa akin..."di na rin ako magtatagal, at inaasahan ko na ang pangyayaring ito, pinag sumpaan na natin ng mga kasama ang buhay may i-alay para sa kalayaan ng bayan, di ba kasama " patuloy niyang bulong... "at masaya na ako kung ganito ang kahahantungan ko, namatay sa pkikibaka, keysa mamatay sa gutom at walang kalabanlaban, kunin mo ang gamit kong baril, gamitin mo iyan sa pagpuksa ng ating mga kaaway"... di ko namalayan na tumutulo na ang aking luha.. di ko alam kong bakit? ito ba'y luha ng pagkamuhi, pagka-inis o luha ng konsinsiya...sabay sa pagbuhos ng malakas na ulan...

Habang kinakandong ko ang kasama ay unit-unti na siyang nalagutan ng hiningnga..at napanisin ko na may papalapit na mga sasakayang nakailaw ang mga head lights papunta sa direksyon ko, mga trak ng military six by six, kukubli sana ako ngunit huli na ang lahat... nakatotok na sa akin ang mga baril ng mga sundalo..at biglang tadyak,batok,suntok, palo na inaasahan ko na...."Hak,hak,hak sa wakas nahuli rin kita Kasamang Pueblo" wika ng kanilang opisyal, unti-unti kong inangat ang aking ulo, habang hawak ako ng dalawang sundalo, "mukhang kilala ko ang bosses na yan a" bulong ko sa sarili ko, oo nga kilala ko, ng lumapit sa akin ang kanilang opisyal at naaninag ko ang kanyang mukha sa pamamagitan ng saliw ng mga ilaw ng track, "Putang ina mo!" sigaw ko "putang ina mo talaga Harry! "sabi ko na nga ba't isa kang DPA, noon pa man ay nagdududa na ako sa iyo!" "pinapa ikot mo ang ulo ng mga kasama at pinag aaway-away mo" "nirespeto ka pa man din ng maraming kasama, dahil ikaw ang namumuno sa amin, at ikaw ang pinaka bos tsip sa lahat" "Langhiya ka talaga !" "isa kang ahas!" "isa kang ulopong !"kung makakahulagpos lang ako dito, di kita tatantanan at durugin ko pati bungo mo!" bulyaw ko sa kanya, sabay ang luha ng pagkamuhi..."subukan mo lang, masdan mo ang iyong paligid kasama.."wika ng opisyal "bago ka pa man makalapit sa akin ay bangkay ng babagsak ang iyong katawan sa semento"..."Putang ina mo! wala akong kasamang demonyo ! at wag mo akong tawaging kasama!" sagot ko sa kanya..at napansin ko sa isang track ay puno ng mga dugoang sibilyan, na nakatali ang mga kamay at nakapiring ang mga mata..."hak,hak,hak" tumawa uli ang demonyong opisyal "Di talaga mananalo ang rebolusyon, at isa pa, nahuli ko na ang mga ibang kakoliktib mo, nahuli ko na sina AJ, Rafael,Yasser, Taj, Sakur, Nita, Rodel, at iba pang ka yunit mo, sa kasamaang palad ay napaslang namin si Sabrina at Renan, dahil gustong tumakas" wika ng opisyal "Hayop ka talaga Harry" pabulong na sumbat ko, maya-maya pa'y may lumapit sa kanyang isa ring opisyal..."Kernel, sir? paano itong mga bihag natin? anong gagawin natin sa kanila? sagabal lang sa ating pag-atras ang mga ito sir'.." bulong ng isang opisyal sa kernel..."at mukhang papalapit na dito ang mga elemento ng mga insurektos sir, mahigit kumulang na tatlong platoon ang paparating dito sa ating kinaroroonan".. lintik at Colonel pala ang demonyong ito, at tang ina rin ! kilala ko rin ang isang opisyal na ito, tinignan ko ang mukha ng isang opisyal.."di na namn ako nagkakamali at si Joel nga, isang organisador ng mga Maralita at ng mga Mangagawa" pati pala siya ay isa ring DPA...biglang lumingon sa akin at ngumiti na parang demonyo, at kumindat.."Tang ina nyo! magbabayad rin kayo sa sambayanan" bulong ko sa sarili ko..."likdahin na lang ang lahat na bihag kapitan".. wika ng demonyong kernel "opo sir" sabi naman ng kapitan..narinig ko ang mga bulongan ng mga sundalo.."mag hubad na tayo ng uniporme, para di tayo mapagkamalaang sundalo sa pag-atras natin"..bigla akong napangiti, napatawa hanggang tuloyan ng nagging halakhak at sigaw... ha,ha,ha,haaaah.. "mapapatay nyo man ang mga rebolusyonaryo ngunit di niyo mapapatay at magagapi ang rebolusyon!" sigaw ko, at biglang blaag..isang bat ng Armalite ang dumapo sa aking mukha, muntik na akong mawalaan ng ulirat, naramdaman ko ang malamig na agos ng dugo sa aking mukha..

Katsak.... narinig ko ang mga kasahan ng mga baril at biglang praaaak...tak..tak..tak..na umalingawngaw sa paligid..at biglang ungol na lang ang aking mga narinig..at muling unti-unti kong inangat ang aking ulo sa kalangitan.."mag umaga na pala" ramdam ko rin ang mga patak ng ulan sa aking mukha, kasabay sa mga luhang sa ngayon ay luha ng kasiyahan.."sa wakas makakamtan na rin ng masang anak pawis ang kanilang minimithing paglaya" at narinig ko ang papalapit na mga yapak ng kombat shoes, "pringan mo na yan sarge" wika ng opisyal, "huwag na!" sambit ko, "huwag na ninyo akong piringan, gusto kong makita ang bukang liwayway ng kalayaan ng sambayanan"..Hak,hak,hak tawa ng opisyal.."hanggang sa kamatayan mo ba kasamang Pueblo ay matigas at matatag ka pa rin, at di hamak ay makata rin" Hak,hak,hak...Katsak....kinasa niya ang kanyang kalibre 45 at itinutok sa aking ulo, "sumigaw ka na ng mabuhay ang rebolusyon" at BANG !!!!! unti-unti dumidilim, namamanhid at umiikot ang aking paligid..........HOY GISING !, HOY, HOY! Tang ina! tanghale na! sambit ng aking kasama sa kuwarto, bigla akong napadila't at bakit?? "May taong pumunta dito kanina, Joel daw ang pangalan, kasamahan mo daw?" sabi ng aking kasama, "di ka na niya hinintay na magising, dahil may pulong pa daw siyang dadalohan, nag iwan na lang siya ng mensahe para sa iyo, o ito o" sabay abot ng isang palara ng sigarilyo, dali-dali kong kinuha ang palara, at binasa ang mensahe, may emergency meeting daw kami mamaya at ang adyenda ay ang National Situation at ang mag-bibigay daw ay si Kasamang Harry........


USAPA NA!!

CLENCHED SOUL

Friday, September 22, 2006

CLENCHED SOUL
Pablo Neruda


We have lost even this twilight.
No one saw us this evening hand in hand
while the blue night dropped on the world.

I have seen from my window
the fiesta of sunset in the distant mountain tops.

Sometimes a piece of sun
burned like a coin in my hand.

I remembered you with my soul clenched
in that sadness of mine that you know.

Where were then?
Who else was there?
Saying what?

Why will the whole of love come on me suddenly
when I am sad and feel your are far away?

The book fell that always closed at twilight
and my blue sweater rolled like a heart dog at my feet.
Always, always you recede through the

Vendetta !

Hasta Siempre Comandante

Hang Over !!

Thursday, September 21, 2006

Bakit kaya ang sarap uminom ng serbesa, ng beer, ng Emperaning, ng Bilog, lambanog at Tanduay kahit walang pulutan..
lalo na kung nag kayayaan , kahit katamtaman lang ang pera, hala sige mga repapips inom ng inom, hangang sa malashing,mga tagay na di mo matangihan lalo na ang adyenda ay isang usaping buhay buahy, o dili kaya walang humpay na kantahan at biro-an.. hanggang sa iikot at iikot na ang iyong paligid, na ang pakiramdam mo sa sarili ay ikaw na ang bagong hari at alam mo na ang lahat ng mga bagay.

At ang masaklap pa ay hinahanap hanap mo ito, kung minsan ay di lang kasiyahan ang pag-inom kundi kahit sa kasawian at kalungkutan, mga seryosong usapin, mga usaping relasyon, mga karanasang kasawian..

Pero putsa! pagkatapos mo naman malsing at nahimasmasan, biglang sasanguni sa iyong isip kung ano ang mga pinagsasabi mo, kung anong nangyari, ang masakalap pa kung masobrahan ka nito ay sang katirbang suka!!!! ang daming ma sasakripisyo, di ka makapasok di mo masipot ang mga nakaambang mga schedules, masisira ang araw mo dahil sa sakit ng ulo. HANG OVER repapips... lintik at wala ka nang pera.

Hanggang sa isumpa mo ito, "ayaw ko nang uminom" pero panandalian lamang iyan... dahil maya-maya... magkayayaan na naman...

O! Tagay na.

Isang ordinaryong araw

Ika-21 ng September taong 2006, isang ordinaryong araw para sa isang karaniwang tao, mga karaniwang balita na laggi mo nang naririnig at napapanood sa dyaryo at t.v. Kaliwa't kanang patayan, mga ginahasang indibidwal mga lasingong kalalakihang lagging binubogbog ang kanilang asawa, mga asawa namang walang ginawa kong di maki pag-tsismisan at marami pang iba na sa pang araw-araw mong hinaharap at sinusuong. Mga pulitikong animo'y santo santito at santa santita na walang ibang matalino kundi sila at panunuyong kala mo'y sa kanila ang langit at lupa, dahil marahil ay malapit na naman ang eleksyon...isang karimarimarim na nakaambang dilubyo sa mamamayan.

Ika-21 ng September taong 2006, Isang ordinaryong araw, ngunit tila atang nakalimutan na ng karaniwang indibidwal kung ano ang nangyari noong mahigit tatlong dekada nang lumipas?? Ika-21 ng September taong 1972 isang maitim na ulap ang pumulupot sa lupain ng Pilipinas, ang pag-deklara ng batas militar ng diktaduryang Marcos laban sa mamamayan, na nag resulta ng walang humpay na pagsasamantala at walang habas na pagpaslang at torture ng ilang libong indibidwal, mga biktimang hanggang sa kasalukuyan ay di pa mabura sa kanilang isipan ang mapait at masaklap na karanasan. Bagama't nasa yugto pa ako ng aking murang isipan noon, ramdam ko kung ano ang sinapit ng mga nagging biktima, dahil minsan nagging kasama ko sila at ang iba naman ay nakasalamuha ko't nagging kaibigan, at magging hanggang naging anak nila.

Oo nga't isang ordinaryong araw, siguro nga iilan na lang ang naka ala-ala, siguro nga't tuluyan ng nakalimutan dahil sa umiiral ng yugto ng ating lipunan? na nasa yugto at konteksto na ng globalisasyon, o sadyang pilit itong nilimutan. Ngunit kahit pa man balibliktarin, nakaumang pa rin sa atin ang isang pangambang baka maulit muli ito, sa pamamagitan ng ibang anyo... oo sa pamamagitan ng ibang anyo dahil sa reyalidad ay nandiyan na ang mga rekados at mga sitwasyong halintulad noon. Kung baga sa kanta ni Heber Bartolome: Tayo'y pinipigil ito ang dahilan, pinipigil magkaisa magging malaya ang bayan,....ang demonyo ay aktibo dito sa ating nasyon... katotohanan lamang sa atin ang magpapalaya.O di ba? tingin ninyo mga Repapips!!! basta para sa akin MARTIAL LAW NEVER AGAIN !!! para sa akin lang iyon, pero ewan ko sa inyo??

USAPA NA !!!!!

USAPA NA at iba pang inusapay

Wednesday, September 20, 2006

Ang linguaheng USAPA NA! ay nagmula sa salitang cebuano, di ko lang alam kung papaano ito i translate sa salitang tagalog, bagama't may mga similar na kataga pero di pa rin ito tumutumpak, isang halimbawa na nito ang kainin mo, o di kaya' y lamunin mo pero di pa rin ito ganap at tumpak sa katagang USAPA NA.

Ako''y isang "BISDAK" o Bisayang dako, oo "Bisaya" at ipinagmamalaki ko ito, ako'y hindi isang anti-tagalog o anti-ilokano o ano pang mga linguaheng nag i-exist sa lupaian ng Luzon, ngunit ito ang isang kalamangan namin, naiintindihan namin ang salitang tagalog bagama't di gaano itong maibigkas, pilit pa rin itong binibigkas kahit balubaluktot at kadalasan ay matigas pa ang pagkabangit, para lamang maintindihan ng isang kausap. Ngunit ang masaklap nito ay pinag tatawanan pa at nilalait, tila bagang may likas ng batas sa ating lipunan na ang dominadong linguahe ay ang tagalog, at pag hindi mo ito maibigkas ng maayos ay ikaw ay hindi isang tunay na Pilipino. Sa realidad ito ang tunay na umiiral ngayon sa ating lipunan. Mga panunuksong "ay kasi bisaya !!!!" "para ka namang Bisaya","Anak ka ng Bisaya !" etc..

Ang akala nila ay tatanga-tanga na lang ang mga bisaya, walang alam, at puro mga katulong, mga modernong alipin, mga GRO ng mga klab, mga mala-mangagawang makikita mo sa mga konstraksyon, mangagawa sa pabrika, mga tsuper, kargador ng Pier at Paliparan, at kahit saan mang mababang saray ng ating lipunan ay nandoon ang mga bisaya.

Maraming mga bisaya ring pilit nilang tinatago at ikinukubli na sila ay bisaya, di mo sila masisisi dahil na rin siguro sa umiiral na kalagayang panglalait at pag alipusta sa mga bisaya. Pilit itong kinukubli kahit ang kapalit nito ay ang di maka-taong payurak ng dangal at dignidad.

Marami-rami na rin ang mga bisayang dumayo dito sa Luzon sa gusto natin sa hindi, partikular na sa lungsod ng Maynila, hindi upang mag liliwaliw kundi upang maka-paghanap buhay at kumita kahit kakarampot, resulta ito ng kawalan ng hanap-buhay at kagutoman sa mga probinisya dala ng pag balewala ng mga pulitiko't pamahalaan na ang sentro ay dito sa Maynila.

Ang Sentro ay dito sa Maynila oo Maynila, Mayaman ang Maynila hindi dahil sa kasipagan ng mga tagalog kundi dahil sa yaman ng mga probinsiyang pinaghuhuthutan nila ng likas na yaman, pag papataw ng buwis na di naman napupunta sa mamamayan nito, mga nag-gagandahang beach resort ngunit exclusive para sa mga dayo, at marami pang iba, na nag resulta ng pag likas ng mga mamamayan nito papuntang sentrong lungsod ng Maynila.

Sa ganitong kalagayan ang mithiin ko lang ay pagkakaisa, pagrerespetohan at pagkakaintindihan, para mawala ang katagang "Manila Imperialisim"

Oo nga pala, di pa rin na resolbahan ang salitang USAPA NA ! kasi biglang nagging seryoso, para sa akin ang ibig sabihin nito sa tagalog ay di ko pa rin alam parang kumakain ka ng Bubble gum, o parang may kinakain ka na di mo malulon o ano pa man...

o para enjoy panoorin na lang natin itong video mula sa aking mga idols...tapos, USAPA NA!!

Me and Karl

Not only do I like Marx, I looked like him din pala...hehehehe

mga kataga...


Marahil ay mapapansin natin saan mang sulok ng ating paligid ay maraming mga nakasulat ng mga kung ano-ano, gaya halimbawa pag nakasakay ka sa isang pampasaherong mga sasakyan...God knows Hudas not Pay...Barya lang po sa umaga... Jeepny driver sweet lover.. Katas ng Saudi..at mga nakikitang mong mga tattoo ng mga barakong mukhang walang mga damit na animo'y mga matatapang na hindi naman? halimbawa na rito ang... Ama ko bakit ako gwapo...Nardo Love Nita...mga katagang kahit barubal na pagbigas ay may kabulhan sa mga simple at karaniwang tao...mga naka sulat sa mga pader...bawal umihi dito, aso lang ang puwede..multa 500 - kulong isang buwan... don't take drugs Lipat bahay... Arman Tubero...mga pahiwatig din ng mga makabayang elemento ng ating lipunan gaya ng... Sahod Itaas, Presyo Ibaba... Imperyalismo Ibagsak !... Makibaka wag Matakot!... GMA Salot ! at marami pang iba. Mga pahiwatig na magging sa larangan ng Pulitka hanggang sa mga indibidwal na damdamin ay ipinapahiwatig sa pamamagitan ng pagsulat sa mga Pader, mga puno, at marami pang iba.

Ang mga ganitong kataga ay bahagi na ng ating pang araw-araw na nakikita, isa itong palaisipan na kung saan ay di ko rin alam ?????? USAPA NA !

bakit ako magba-blog

dati ang akala ko ang blog ay isang uri ng bag?? ngunit sa kalaunan ay napagtanto ko na isa palang lugar sa kalawakan na maisasalarawan, makapaglabas ng mga kaisipang di maarok ng aking ginagalawang lipunan. isang simpleng ispasyo na maka pag salarawan, makapag nilaynilay ng mga samo't saring bagay na di ko maipamahagi at makabahagi sa aktuwal at pisykal ng anyo ng buhay. dito ay malaya akong maka pagbigkas nang kahit anong linguahe, obserbasyon, at pananaw sa komplekadong buhay, mundo at lipunan. Gaya ng flying rhinoceros and carabao rolling around, at ang pawikan dance with matching the boy with bornik????!!!

kaya ako ngayo'y nagbablog...gets mo?

First Blog

First Blog is the deepest.....