USAPA NA at iba pang inusapay
Wednesday, September 20, 2006
Ang linguaheng USAPA NA! ay nagmula sa salitang cebuano, di ko lang alam kung papaano ito i translate sa salitang tagalog, bagama't may mga similar na kataga pero di pa rin ito tumutumpak, isang halimbawa na nito ang kainin mo, o di kaya' y lamunin mo pero di pa rin ito ganap at tumpak sa katagang USAPA NA.
Ako''y isang "BISDAK" o Bisayang dako, oo "Bisaya" at ipinagmamalaki ko ito, ako'y hindi isang anti-tagalog o anti-ilokano o ano pang mga linguaheng nag i-exist sa lupaian ng Luzon, ngunit ito ang isang kalamangan namin, naiintindihan namin ang salitang tagalog bagama't di gaano itong maibigkas, pilit pa rin itong binibigkas kahit balubaluktot at kadalasan ay matigas pa ang pagkabangit, para lamang maintindihan ng isang kausap. Ngunit ang masaklap nito ay pinag tatawanan pa at nilalait, tila bagang may likas ng batas sa ating lipunan na ang dominadong linguahe ay ang tagalog, at pag hindi mo ito maibigkas ng maayos ay ikaw ay hindi isang tunay na Pilipino. Sa realidad ito ang tunay na umiiral ngayon sa ating lipunan. Mga panunuksong "ay kasi bisaya !!!!" "para ka namang Bisaya","Anak ka ng Bisaya !" etc..
Ang akala nila ay tatanga-tanga na lang ang mga bisaya, walang alam, at puro mga katulong, mga modernong alipin, mga GRO ng mga klab, mga mala-mangagawang makikita mo sa mga konstraksyon, mangagawa sa pabrika, mga tsuper, kargador ng Pier at Paliparan, at kahit saan mang mababang saray ng ating lipunan ay nandoon ang mga bisaya.
Maraming mga bisaya ring pilit nilang tinatago at ikinukubli na sila ay bisaya, di mo sila masisisi dahil na rin siguro sa umiiral na kalagayang panglalait at pag alipusta sa mga bisaya. Pilit itong kinukubli kahit ang kapalit nito ay ang di maka-taong payurak ng dangal at dignidad.
Marami-rami na rin ang mga bisayang dumayo dito sa Luzon sa gusto natin sa hindi, partikular na sa lungsod ng Maynila, hindi upang mag liliwaliw kundi upang maka-paghanap buhay at kumita kahit kakarampot, resulta ito ng kawalan ng hanap-buhay at kagutoman sa mga probinisya dala ng pag balewala ng mga pulitiko't pamahalaan na ang sentro ay dito sa Maynila.
Ang Sentro ay dito sa Maynila oo Maynila, Mayaman ang Maynila hindi dahil sa kasipagan ng mga tagalog kundi dahil sa yaman ng mga probinsiyang pinaghuhuthutan nila ng likas na yaman, pag papataw ng buwis na di naman napupunta sa mamamayan nito, mga nag-gagandahang beach resort ngunit exclusive para sa mga dayo, at marami pang iba, na nag resulta ng pag likas ng mga mamamayan nito papuntang sentrong lungsod ng Maynila.
Sa ganitong kalagayan ang mithiin ko lang ay pagkakaisa, pagrerespetohan at pagkakaintindihan, para mawala ang katagang "Manila Imperialisim"
Oo nga pala, di pa rin na resolbahan ang salitang USAPA NA ! kasi biglang nagging seryoso, para sa akin ang ibig sabihin nito sa tagalog ay di ko pa rin alam parang kumakain ka ng Bubble gum, o parang may kinakain ka na di mo malulon o ano pa man...
o para enjoy panoorin na lang natin itong video mula sa aking mga idols...tapos, USAPA NA!!

9:26 AM
Uhmmnnn para palang ang Visayas ay ang pinas at ang manila/Luzon ay ang US ano? hmmnn di kaya regionalism yang nabanggit mo? sabagay tama ka at sa tingin ko nagbigay ka lang ng isang saktong halimbawa ng kung ano ba ang lipunang ginagalawan ng mga pinoy.
Sa kaso naman ng mga bisaya, minsan may napasukan akong chatroom noon sa IRC, mga bisaya sila, para namang hindi sila ganoon kagalit sa mga Tagalog at parang hindi sila ganoon kagalit sa mga taga Maynila, pero siguro sanhi lang yun ng sinasabi mong
"pagyurak sa dangal at dignidad" ng mga bisaya...... kultura kasi yan, dapat idagdag sa kasalanan ng gobyerno noon at ngayon kung anong klaseng kultura mayroon ang mga taga maynila ngayon. Tumpak ba ko? :)
12:12 PM
tumpak ka diyan, oo baluktot na kultura, may negation ang kulturang pinoy na racist. Dahil para sa akin walang maggaling sa pinoy kundi ang duminadong kultura.. gaya na mas maggaling ang mga puti kay sa itim. Tumpak din ba ako..
maraming salamat din pala sa iyong komento.
2:50 PM
agree ko oi....puslan mang way nagmahal, beer pa dai! hehehe